Tuesday, September 18, 2012

Sadistic Vampire (Filipino version)



Audio : http://soundcloud.com/micelle/sadistic-vampire-filipino
Lyrics:


Halika dito sa aking tabi
Pangako, wala akong gagawing masama.
Gusto ko lamang na magkakilala pa tayo

Alam mo bang isa akong bampira
At ikaw ang aking bagong biktima
Dali at ibigay mo na ang munti mong leeg

can't stop loving you

Pinuntahan mo pa ako sa liblib na gubat na to
ganun mo ba talaga ako kagustong makita
Hangal ka man at nakakaawa, hinihirang pa rin kita
Hahayaan mo bang kainin ko na ang lahat?

Plaplanuhin ko ito
kung kakagatin lang kita ay boring naman
Lalapitan kita nang hindi ka matatakot

Kunwari proprotektahan mula sa mga hyena.
magpapanggap akong isang mabuting tao.

Kay dali lang na kainin ko ang mga loko-lokong iyon.
Ngunit kung masarap siya baka bagalan ko pa
Kahit ako man ay may panlasa rin naman
Halika dito sa aking bisig

Ang mahaba't malambot na buhok,
mga mata na humahalina sa kin
kay puting kinis, maliit na braso

Lika, mabait na bata,
pumunta sa aking tabi
bilisan mo! dalian!

Minamahal kita
katawan mo'y akin
kaya hindi ko hahayaan na may ibang
umangkin pa sa iyo
kaya tahimik ka lang
manalig ka sa akin
dahil hindi magandang pumiglas pa,
ano sa tingin mo, magandang binibini?

Kung may hangin mang lilipad sa
mga nakakayamot kong araw-araw
ang dugo ay unti-unting mabubuhayan

"hindi ito ang tipo ng lugar
na dapat puntahan ng batang tulad mo"
maginoo pa rin ako sa pag-alalay sa iyo.

Sumusunod ka nang hindi mo man lang alam na niloloko ka
Isa kang busilak at walang kamuang-muang na babae.
Natapos ang araw, ang buwan ay ngumiti nang kahinahinala
Maligayang pagdating sa entablado ko

sa loob ng madilim na gubat
nakayakap ka sa aking braso,
nakakainis na nga nang onti
"ayos lang yan,
wag kang mabahala,
proprotektahan kita

kung ibubulong nang dahan-dahan
mahuhulog ka lalo sa kin
ang mahikang itim
ay matutunaw na animo'y gatas

Habang paralisado ang iyong utak
ito'y magandang pagkakataon
dahan-dahan
kakagatin ko ang iyong leeg..

sa pagpawi mo ng gutom ko
tayo ay naging isa ngayon
ang sayang hapunan matapos ang mahabang panahon

ang babaeng nahihimbig
nang may masayang ngiti sa mukha
 ang humawak sa kanyang kamay ay si...


===================================

Sadistic vampire
Music/LyricsオーP 
Translation:
-Google translate
-own interpretation

Images and clip
Artists:

No comments: