Nagswimming kami ni Jeo sa Villa Celedonia. Kahit na sinabi ko kay mama na madami kami... sa totoo lang dalawa lang kami ni Jeo. Masaya at malabo ang araw na ito. Ngayon ko lang napansin na isa akong mabait na babae. Kasi may isang grupo ng mga lalaki na nasa tabi namin. Grabe ang sasaya nila masyado. At sa isang hindi maipaliwanag na dahilan lagi na lang sila nakikisama sa amin ni Jeo. Tinuturuan ko sana si Jeo na lumangoy pero pati yung isa sa mga lalaking iyon ay gusto na rin na magpaturo sa akin. Grabe nga eh. Hindi ko naman sila kilala tapos feeling pa. Pero sa totoo lang hindi talaga ako naasar kasi ewan nakakatuwa sila. Simpleng manyak nga lang.
WALA SILANG KARAPATAN NA HAWAKAN ANG PAA KO!!!!!!
Anyways... natutuwa ako kasi tinuruan ako ng Jeo ng onti sa paggigitara. Ang sakit sa kamay. Medyo nagets at naaalala ko. Hindi nga ako makapaniwala na seseryosohin ko yun. Kasi minsan kaya hindi ako natututo ay dahil hindi ko sineseryoso ang mga nagtuturo sa kin. Wow! Kaseryoso-seryoso pala si Jeo. Hindi ko alam yun ah.
Sa isang mundong pinapagalaw ng salapi hindi ko sukat akalain na may naniniwala pa pala sa barter trade. Kasi nagkulang ang pera namin ni Jeo sa pamasahe. At dahil jan... binayaran namin yung driver ng kulang pero bilang kabayaran sa iba ay binigyan namin siya ng tinapay. Mukha nga silang tuwang-tuwa. Ganon siguro talaga ang mga gutom. Pero masaya dahil nakauwi kami ng matino dahil dun.
No comments:
Post a Comment