Tuesday, September 10, 2013

Lady Georgie tagalog theme song (a capella version)



Hay una sa lahat napakahirap maghanap ng intsrumental/off vocal para sa awitin na ito. O kaya naman sadyang tamad lang ako maghanap... pero dahil wala akong mahanap a capella na lang. Alam ko may mga mali-mali sa pagkakanta ko pero sana may taong natuwa sa aking ginawa. Alam ko masaya ako sa ginawa ko... marahil ay kuntento na ako doon.

Eto nga pala ang mga salita na ginamit ko sa awitin na ito. Hindi sila katulad ng orihinal na pinalabas sa telebisyon noon pero noong inawit ko kasi ito hindi man lang ako tumingin sa kopya ko. Ang yabang ko kasi... ayan tuloy mali-mali /sampal


Nakita ko ang larawan mo
At muling nagbalik sa akin ang lahat
Ang malambing na bulong na ako
Ang nagbibigay musika sa mundo
Sinabi mong ako ang himig ng iyong biyulin
Mga labi mo’y rosas na ginto
At ikaw ang pinto ng aking daigdig
Kulayan natin ang mundo
Parang bahaghari
At ang kagandahang ito’y naging
matingkad pa sa araw
Isang yapos na mahigpit
Mula sa iyo maahal
At magsasama tayong dalawa

No comments: