Pumunta ako ng LB para ayusin ang
clearance ko. Ang tagal na rin simula nang magtapos ako pero hindi ko pa rin
makuha ang diploma ko dahil hindi pa ako cleared. Kaya dahil naisip ko na
panahon na para makuha ang diploma ko ginawan ko na ng paraan para ma-clear na
ako.
Siyempre, nakatiming na feb fair
ako pupunta para masaya. Maganda ang fair sa UPLB, may perya, may banda,
maraming pagkain at kung anu-ano na pwedeng mabili. Pero hindi yan ang gusto ko
puntahan sa fair. Tuwing feb fair may
tinatawag na “cosplay day” ang org ko, ang UP SOMA Soshiki, kung san
nagcocosplay ang mga miyembro at paparada palibot ng fair. Simpleng tradisyon
na napakasaya. Ang tagal na rin nang huli akong tumuntong sa LB nang
nakacosplay. Matagal na rin na hindi ako nagcocosplay.
Siyempre may listahan ako. Ayoko naman na isa lang gagawin ko samantalang minsan-minsan lang ako makabalik ng eLBi. Kaya eto ang mga kelangan ko gawin:
- Ayusin ang clearance at iba pang papeles
- Magcosplay ng Conchita
- Makabonding ang mga kaibigan ko
- Makilala ang mga bagong miyembro ng SOMA
Natutuwa akong
sabihin na nagawa ko naman ang lahat ng yan.
Feb Fair/Cosplay day
Noong nakaraan
na taon lang nagkaroon ng perya sa UPLB feb fair. Ang daya di ba? Samantalang
ang napala lang naming dati ay brownout. Pero ok lang, hindi man ako nakapunta
nung nakaraang taon ngayon ay nakabawi na ako.
Sa totoo lang
takot ako sa mga rides. Sa EK nga hindi ako makasakay sa mga rides dun dahil sa
takot. Ayoko nang hinahagis-hagis ako, ayoko nang nahuhulog at higit sa lahat
ayoko ng nahihilo. Kaya alam ko na hindi ako magandang kasama pag pupunta ng
Star City o Enchanted Kingdom. Masaya naman ako sa pagiging KJ, kesa naman
mamatay di ba? Kung natatakot ako sa EK pano pa kaya sa perya rides? Dinig na
dinig ko yung bakal na parang may pumipitiik sa bawat ikot nung ride. Parang
masisira na lang yun bigla. Pinakakinakatakot ko ay baka biglang ma-Final
Destination pa kami.
Kaya eto kami
at ng mga kaibigan ko habang nag-iisip kung san pupunta
Oo nga pala,
nakita ko rin ang mga batang miyembro ng SOMA. Ang cute nila sa mga cosplay
nila at naaaliw lang talaga ako. Sa org house rin ako nakitulog ng gabing iyon.
Buti na lang may mapupuntahan pa rin ako kahit na matagal na akong wala sa LB.
:3
Magcocosplay
sana ako kaso maulan at maputik sa Freedom Park. Kaya ayun hindi na lang. Sayang
talaga.
Bonding...
Kinabukasan, kanya-kanya naming ginawa ang mga kelangan naming gawin. May pumasok sa klase, may mga naglakad ng papel at iba pa. Kumain rin kami ngayon dun sa restaurant na gusto ko talagang kainan. Nakalimutan ko yung pangalan (Auntie Pearl’s )pero grabe ang sarap ng pagkain dun.

Nagphotoshoot kami pagdating ng hapon. Maulan pa rin kaya sa loob lang kami kumuha ng larawan. Hindi na talaga kami gusto paglakarin sa feb fair ng ulan na ito. Nananadya na nga ata eh.
Pagkatapos nun
ay karaoke. Masaya magkaraoke kasama ang mga kaibigan. Kahit na hindi ganun
kaganda ang pagkanta masaya pa rin. Nakakalimutan ko sandali lahat ng mga
iniisip ko. Nakakatanggal talaga ng stress ang pagkakaroke para sa kin.
Hay...
Natapos ko naman agad ang buong proseso ng pagcclear at pagkuha ng diploma. May natutunan pa nga ako na bagong kanta. Ang buong akala ko kasi “UP Naming Mahal” lang ang kelangan kong kantahin. Handa naman akong kantahin ang kanta nay un at matagal ko nang saulado iyon. Nagulat lang talaga ako na may ISA PANG kanta na DAPAT kantahin. “Sulong CAS”. Hindi ko alam kung san galing, pano sumulpot, at sinong nakaisip na irequire siya. Hindi ko talaga alam ang kanta. Ngayon ko lang narinig ang kantang iyon... pero dahil gusto ko na matapos ang lahat at marami pa akong mas masasayang gagawin... sinaulo ko ang awitin na iyon. Sa loob ng isang oras. Malamang narindi na ang kasama ko sa kakanta ko nun pero kelangan ko maLSS sa kantang iyon para tumugtog siya ng tumugtog sa utak ko.
alam ko... talagang nakakapagod... |

Nakanta ko
naman. Kaya nakapagpatuloy ako sa aking paglalakad ng papel.
Matapos ko
makuha ang clearance ko nalaman ko na makukuha ko na rin ang diploma ko sa oras
rin na iyon. Astig. :D Kaya onting hintay lang at nakuha ko na rin ang diploma
ko.
naghihintay lang ng diploma |
sobrang bagot kung anu-ano na lang ang pinipicturan ko eh XD |
--------------
Masayang
bumalik sa LB kahit na sobrang nagtaas ang pamasahe at marami na akong hindi
kilala. Hindi na ito ang “LB ko”. Wala na ang mga teacher, instructor,
classmate, tindera at mga lugar na alam ko. Napalitan na sila ng mga bagong
mukha at bagong tindahan. Ang mga alal-ala na ginawa ko sa lugar na ito ay
hindi na rin ganoon ka-linaw.
Ngunit kahit na ganoon, parang nanumbalik sa kin ang mga nagdaan na panahon nang bumalik ako nitong mga nakaraan na araw. Kasama ko kasi muli ang ilan sa mga tao na nagbigay kulay sa aking pananatili sa LB noon. Naglakad kami muli sa parehong kalsada na nilalakad namin noon papuntang klase. Parang normal na araw lang noong estudyante pa ako. Kaya kahit sandal parang walang pinagbago ang LB... parang naging “LB ko” uli ang lugar.

Ang saya...
sana mangyari uli ito...
------
eto pang ibang mga larawan na kinuha ko ^_______________^
------
eto pang ibang mga larawan na kinuha ko ^_______________^